Ayon kay Abe Qatādah Al-Ansārie-malugod si Allah sa kanya-at nagsabi:((Nakita ko ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangangalagaan na nangunguna sa pagdarasal para sa mga tao at si Umāmah bint Abe Al-'Ās at siya ang anak ni Zainab na Anak ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nasa balikat niya, kapag siya ay yumuko,ibinababa niya ito,at kapag tumayo siya mula sa pagpatirapa,ibinabalik niya ito.)) Tumpak - Napagkaisahan ang katumpakan