Ipinapahayag ng marangal ng Hadith ang Kuwento ng Azan;Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay ninais niya na gumamit ng kampanilya upang magtipon ang mga Tao sa pamamagitan ng boses nito sa pagdarasal,pagkatapos ay hindi niya ito nagawa,sapagkat kabilang sa mga katangian nila;Nakita ng isa sa mga kasamahan ng Propeta-ang lugod ni Allah ay sumakanila-na si `Abdullan bin Zaid,sa pagtulog niya,Na ang isa sa kanila ay nagbibinta ng kampanilya,Naisip niyang bumili nito,upang tipunin niya ang mga Tao sa pagdarasal,Nagsabi sa kanya ang lalaki; Gusto mobang ituro ko sa iyo ang mas-mainam pa rito?At tinuruan niya ito sa mga bibigkasin sa pag Azan,Pumunta siya sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa kina-umagahan at binanggit niya sa kanya ang napanaginipan niya,Sinabi sa kanya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ito ay panaginip na totoo,at ipinag-utos niya na basahin niya ang (bibigkasin) sa Azan kay Bilal,upang masabi niya ito,sapagkat siya ay may mas-magandang boses,at nang marinig ito ni `Umar bin Al-Khattab-malugod si Allah sa kanya-dumating at sinabi niya sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na nakita din niya ito.