Ipinapahayag ni `Aishah-malugod si Allah sa kanya-ang tungkol sa pagbalot ng sapot sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sa kulay nito at sa bilang nito,tunay na sinamahan niya ito ng tatlong Lifaf [telang pambalot sa patay] na puti na ginawa pa sa Yaman,at hindi siya binalot ng sapot sa sando at hindi rin sa turban,at mas dinagdagan ang mga damit,sapagkat ang pantakip ng patay ay higit na pinapainam mula sa pantakip ng buhay at higit na nangunguna sa pangangalaga.