Si `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya.Ay nagsasabi:Ako ay natutulog sa harapan ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang siya ay nagdadasal sa gabi,at dahil sa liit ng bahay namin,nalalagay ang paan ko sa Qiblah niya sa pagitan niya at pagitan ng lugar na pinagpapatirapaan niya;Habang siya ay nanatili sa pagtayo sa pagdarasal,pinapahaba ko ang mga ito,at kapag siya ay nagpatirapa,kinakalabit niya ako kaya hinihila ko ang mga ito upang siya ay makapagpatirapa.Kung nakikita ko lamang siya kapag siya ay nagpapatirapa,hinila ko na ito na walang pagkalabit mula sa kanya,ngunit sa mga bahay namin ay walang mga ilaw para makita mo rito ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kaya pinipigilan niya ang dalawang paa niya na hindi na niya hinahanap ang pagkalabit niya.