Ayon kay Abe Hurayrah, malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi: Narinig ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagsasabi: ((Hinding hindi mag-aayuno ang isa sa inyo sa araw ng Biyernes,maliban kapag siya ay nag-ayuno ng isang araw bago ito o [mag-aayuno] sa kasunod nito))
Tumpak - Napagkaisahan ang katumpakan
Ipinagbawal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pag-aayuno sa araw ng Biyernes,maliban kapag sinundan niya ng pag-aayuno ng isang araw bago nito o kasunod nito,o mapapabilang siya sa mga araw na karaniwang pinag-aayunuhan