Nakita ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-si Jibrel sa pinaa-mataas na antas ng Pariso at sa kanya ay may anim na daang pakpak,Itinanong ng nagsalaysay na si `Asim bin Abe Bahdalah ang tungkol sa larawan ng pakpak na ito,ngunit hindi niya ito sinagot,Ipinaalam sa kanya ng ilan sa mga kasamahan nito na ang bawat pakpak,dahil sa laki nito at kadakilaan nito ay natatakpan ang pagitan ng Silangan at Kanluran,at ito ay naisalaysay din sa iba pang Hadith: ( Natatakpan dahil sa dakila ng paglikha rito ang pagitan ng Silangan at Kanluran)