Dumating ang isang lalaki sa propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,at nagsabi:ako ay nakakaramdam ng paghihirap sa pangangailangan at gutom,ipinadala niya ito sa ilan sa mga asawa niya,at nagsabi:Sumpa sa Allah na walang-wala ako maliban sa tubig,at ipinadala niya sa iba: at nagsabi ng tulad din nito,at ginawa doon sa lahat ng asawa niya,at silay nagsabi tulad ng sinabi nito,Sinabi ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,:Sino ang magpapabesita sa lalaki na ito ngayong gabi?Nagsabi ang isang lalaki mula sa Ansar:Ako ang magpapabesita sa kanya o sugo ni Allah,pagkatapos ay pumunta sila sa bahay niya,at sinabi sa asawa nito:Mayroon kaba diyan na pwedi natin ihain sa besita?,Nagsabi siya:wala maliban sa pagkain ng mga bata,libangin mo sila sa kahit na ano,at kapag gusto nila ng hapunan,ay patulugin mo sila,at inutasan niya siya na patayin ang ilaw,at inakala ng besita na silang dalawa ay kumakain,at nabusog ang besita,at natulog sila na hindi nakakain bilang tanda ng mabuting pakikitungo sa besita ng sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,Ibinalita sa kanya ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,na si Allah ay namangha sa ginawa nilang dalawa noong gabi.At ang pagkamangha ay sa panlabas nito dahil siya ay gumawa ng kakaiba na namangha siya rito,at ito ay pagkamangha sa kagandahan at hindi sa pagtanggi,Nagandahan Siya-kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan,sa ginawa nilang dalawa noong gabi