Nasaad sa ḥadīth na may mga lalaki noon na bumabagsak mula sa pagkakatayo nila sa dasal dahil sa gutom at panghihina. Sila ay ang mga tao ng Ṣuffah, ang mga asetikong kabilang sa mga kasamahan, na mga mahirap at mga estranghero. Sila ay pitumpong katao. Nangangaunti sila minsan at dumarami minsan. Nakatira sila sa silungan ng masjid. Wala silang tirahan, walang yaman, at walang anak. Inaakala pa ng mga taong taga disyerto na sila ay mga baliw. Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa kanila: "Kung sakaling nalalaman ninyo ang ukol sa inyo sa ganang kay Allah na pagpapala, talagang iibigin ninyo na madagdagan ang karukhaan ninyo at ang kasalatan ninyo."