Ipinapahayag sa atin ni Ibn `Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ipinahayag niya sa kanila na si Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan-ay babalunbunin Niya ang mga pitong kalangitan sa Araw na Pagkabuhay,at Kununin Niya ito sa Kanang Kamay Niya,at babalunbunin Niya ang Pitong Kalupaan,at kukunin Niya ito sa Kaliwang Kamay Niya,At sa bawat pagbabalunbun Niya sa bawat isa rito ay tinatawag Niya silang mga Mapanupil at Nagmamalaki,Bilang pagmmamaliit sa katayuan nila at Pagpapahayag na Siya ang Nagmamay-ari ng tunay na Kaharian,kung saan ay hindi humihina at hindi nawawala,at ang lahat maliban sa kanya mula sa Hari at pinaghaharian,at sa Matutuwid at sa Makasalanan,ito ay nawawala at walang halaga sa harapan Niya--Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan-,Siya [si Allah] ay hindi maaaring tanungin sa Kanyang ginagawa,samantalang sila [ang mga nilikha] ang tatanungin.