Naisalaysay sa Hadith ni Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya-na sa isang araw ay nagsagawa siya ng Wudhu sa bahay niya,at lumabas siya upang hanapin ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sinasabing:Hindi ko hihiwalayan ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa araw kong ito.Ibig sabihin:Sasamahan ko siya sa pagpunta at pagbalik.Lumabas siya-malugod si Allah sa kanya-na hinahanap ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-dumating siya sa Masjid.Dahil ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kung hindi siya sa Masjid ay nasa bahay niya,sa pag-aasikaso ng pamilya niya,at kung hindi naman ay nasa mga kasamahan niya para sa ikabubuti nila-Sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-Hindi niya ito natagpuan sa Masjid,ipinagtanong niya ito,Sinabi nilang:Pumunta siya sa doon.At itinuro nila ang sa dulo ng Aris,ito ay ang balon sa Qubah.Lumabas si Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya-sa paghahanap sa kanya hanggang sa umabot siya sa balon.Natagpuan niya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-doon,nanatili siya sa pintuan ng Harden,kung saan nandoon ang balon-malugod si Allah sa kanya.Pumunta ng palikuran ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagsagawa ng Wudhu,pagkatapos ay umupo siya-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-sa gitna-ibig sabihin ay sa gilid ng balon,at isinandal nito ang mga paa niya,at itinaas ang suot sa binti niya,Habang si Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya-ay nasa pintuan,binabantayan niya ang pintuan ng balon,tulad ng tagabantay ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-,Nagpaalam si Abu Bakar-malugod si Allah sa kanya-ngunit hindi siya pinayagan ni Abu Musa hanggat hindi niya ito nasabi sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Sinabi niya sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: Andito si Abu Bakar-nagpapaalam [na pumasok],Nagsabi siya:" Pahintulutan mo siya,at iparating mo sa kanya [ang magandang balita] na siya ay mananahanan sa Paraiso" Pinayagan niya ito, at sinabi sa kanya:Ipinaparating sa iyo ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-[ang magandang balita,na ikaw ay mananahanan sa Paraiso. At ito ay isang dakilang magandang balita,Ipinarating niya sa kanya [ang maganadang balita na siya ay mananahanan sa Paraiso,pagkatapos ay pinayagan siya na pumasok para makasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-.Pumasok siya at natagpuan niya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nasa gitna ng balon at umupo siya sa bandang kanan niya;Dahil ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay iniibig niya ang bandang kanan sa lahat ng bagay,Umupo si Abu Bakar sa bandang kanan niya,at ginawa nito ang tulad ng ginagawa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Isinandal niya ang paa niya sa balon,at itinaas nito ang suot niya sa dalawang binti niya,bilang pagkasuklam na masalungat niya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pag-upong ito.Sinabi ni Abe Musa-at iniwan niya ang kapatid nitong nagsasagawa ng Wudhu at sasalabungin siya-Kapag ninais ni Allah sa kanya ang kabutihan,darating siya sa kanya,at kapag dumating siya at nagpaalam,mangyayari na ihahatid sa kanya ang magandang balita na siya ay mananahanan sa Paraiso,Ngunit nagpaalam ang ikalawang lalaki,Dumating si Abu Musa sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sinabi niyang;Andito si `Umar,Nagsabi siyang::" Pahintulutan mo siya,at iparating mo sa kanya [ang magandang balita] na siya ay mananahanan sa Paraiso" Pinayagan niya ito, at sinabi sa kanya:Ipinaparating sa iyo ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-[ang magandang balita,na ikaw ay mananahanan sa Paraiso.Pumasok siya at natagpuan niya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at si Abu Bakar sa gilid ng balon,umupo siya sa bandang kaliwa ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang balon ay naging mahigpit [para sa kanila],hindi na ito maluwag,silang tatlo ay [naka-upo] sa isang tabi.Pagkatapos ay nagpaalam si `Uthman,at ginawa ni Abu Musa ang tulad ng ginawa niyang pagpapaalam,Sinabi ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:"Pahintulutan mo siya,at iparating mo sa kanya [ang magandang balita] na siya ay mananahanan sa Paraiso kasama ang mga pagsubok na darating sa kanya"Pinayagan niya ito, at sinabi sa kanya:Ipinaparating sa iyo ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-[ang magandang balita,na ikaw ay mananahanan sa Paraiso kasama ang pagsubok na darating sa iyo".Nabuo sa karapatan niya ang biyaya at ang mga pagsubok,Sinabi niya-malugod si Allah sa kanya-Ang lahat ng Papuri ay sa Allah,at Tanging si Allah ay nahihingian ng tulong, sa mga pagsubok na ito,At ang lahat ng Papuri ay sa Allah dahil sa magandang balita na ito,Pumasok siya,at natagpuan niyang ang gilid ng balon at puno na;sapagkat ito ay hindi masyadong malawak,kaya pumunta siya sa bang gilid sa harapan nila,at umupo siya rito,isinandal niya ang dalawang paa niya at itinaas nito ang suot niya sa dalawang binti niya.Binigyang kahulugan ito ni Said bin Al-Musayyeb-isa sa malakinTabiin-na ito ang libingan nila,Dahil ang nilang tatlo ay sa iisang lugar lamang,Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Si Abu Bakar at `Umar,silang lahat ay sa iisang kuwarto lamang,inilibing silang lahat sa iisang lugar,at sa Mundo ay umaalis ng sabay-sabay at bumabalik ng sabay-sabay,At laging sinasabi ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:Pumunta ko,kasama sina Abu Bakar at `Umar,At dumating ako kasama sina Abu Bakar at `Umar,Silang dalawa ay kasa-kasama niya at ministro niya,At sa Araw ng Pagkabuhay-ay lalabas sila mula sa mga libingan nilang magkakasama.Silang lahat ay magkakasama,sa Mundo hanggang sa Kabilang buhay.Umupo si `Uthman-malugod si Allah sa kanya-sa harapan nila,at ibinalita nito sa kanya-[pagpalain siya ni Allah at pangalagaan] ang magandang balita na siya ay mananahanan sa Paraiso kasama ang mga pagsubok na darating sa kanya,At ang mga pagsubok na ito ay ang mga nangyari sa kanya-malugod si Allah sa kanya-mula sa pagkakasalungat ng mga tao sa kanya,at paglabas nila sa kanya,at pagpatay nila sa kanya sa bahay niya-malugod si Allah sa kanya-Dahil pumasok sila sa kanya sa bahay niya sa Madinah,at pinatay nila ito habang nagbabasa siya ng Qur-an,at ang Aklat ni Allah ay na sa pagitan ng dalawang kamay niya.