Ayon kay Abū Yaḥyā Khuraym bin Fātik, malugod si Allāh sa kanya: "Ang sinumang gumugol ng isang gugulin sa landas ni Allāh, itatala para sa kanya ang pitong daan ulit." Tumpak - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Ang sinumang gumugol ng kaunti o maraming gugulin sa landas ni Allāh, pagkataas-taas Niya, maging ito man ay sa pakikibaka sa landas ni Allāh, pagkataas-taas Niya, o sa iba pa rito na mga uri ng kabutihan at mga pagtalima, pag-iibayuhin ni Allāh para sa kanya ang gantimpala nang hanggang sa pitong daang ulit sa Araw ng Pagkabuhay.