Ipinapahayag sa marangal na Hadith ang kainaman ng isa sa dakilang kasamahan ng Propeta na si Saad bin Muaz, at siya ay ginawang ng tolda sa loob ng Masjid upang madalas itong mabesita ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-dahil sa sugat nitong natamo sa pakikipaglaban(sa landas ni Allah),At siya-malugod si Allah sa kanya-ay nagbigay ng hatol sa mga Tribo ng Qurayza,na sumasang-ayon sa hatol ni Allah -Pagkataas-taas Niya, sa kanila,mula sa taas ng pitong-antas ng Kalangitan,at ito ay ang Patayin ang mga kalalakihan nila,at bihagin ang mga kababaihan nila at mga anak nila,at Kunin ang mga kayamanan nila,at ito dahil sa pagtataksil nila sa mga Muslim,at Hindi nila pagsunod sa kasunduan at at pagsasamantala nila ng kalagayan sa pakikipaglaban sa Khandaq,at pagkaka-isa ng mga Quraysh at iba pa sa kahit saang sulok ng Madinah,At gayundin,ipinapahayag ang iba pang kainaman kay Saad-malugod si Allah sa kanya-at ito ay sa panalangin niya na;Ipagpanatili siya ni Allah-Pagkataas-taas Niya,kung may natitira pang pakikipaglaban sa pagitan ng mga Quraysh at mga Muslim,at ang ibilang siya ni Allah Pagkataas-taas Niya sa mga Martir,kung natapos na ang pakikipag-laban ng mga Muslim laban sa mga Quraysh,Na maging Martir siya,dahil sa sugat niya,na natamo niya sa Araw ng Khandaq