Pinagbawalan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang Muslim laban sa pagbunot ng puting buhok, maging ito man ay mula sa buhok ng ulo niya o balbas niya o sa iba pa sa dalawang ito mula sa mga bahagi ng katawan. Ang ubang ito ay magiging liwanag sa may-ari nito sa Araw ng Pagkabuhay. Sharḥ Sunan Ibni Mājah ni As-Suyūṭīy, p. 264, at Nayl Al-Awṭār 1/151.