Ayon kay Abū Dharr, malugod si Allāh sa kanya: "Inilahad sa akin ang mga gawa ng Kalipunan ko: ang maganda sa mga ito at ang masagwa sa mga ito. Natagpuan ko sa mga kagandahan ng mga gawa nito ang nakapipinsala ay inaalis sa daan at natagpuan ko sa mga kasagwaan ng mga gawa nito ang plema ay nasa masjid hindi inililibing." Tumpak - Nagsalaysay nito si Imām Muslim