Ayon kay `Abdullah bin `Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa- Nagsabi siya: Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:((Kinakaawaan ni Allah ang isang taong nagdasal bago ang dasal ng Asr nang apat na tindig))
Maganda - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad
Ipinapahayag sa Marangal na Hadith ang kainaman ng sinumang magdasal ng apat na tindig bago ang dasal ng Asr,bilang kusang-loob (na dasal),at ito ay dahil sa ipinalangin niya ito ng Habag Niya.