Hindi magugunaw ang mundo hanggat hindi nakikipaglaban ang mga muslim sa Turk,at kabilang sa mga katangian nila,ang kanilang mga mata ay singkit,ang mga mukha nila ay mapuputi na may halong pula dahil nananaig ang lamig sa mga katawan nila,ang mga ilong nila ay pango at mababa,ang mga mukha nila ay tulad ng kalasag dahil sa lawak at bilog nito,at katulad ng martilyo dahil sa kapal at dami ng laman nito,At hindi magugunaw ang mundo hanggat hindi nakipaglaban ang mga muslim sa grupo ng mga taong lumalakad gamit ang mga sapatos nilang yari sa buhok,sila rin ang mga Turk,ngunit nagbanggit siya ng iba pa nilang katangian.