Ayon kay Abe Musa Al-Ash-arie malugod si Allah sa kanya-(hadith na Marfu)Talagang darating sa mga tao ang panahon na iikot ang lalaki sa paghahanap ng mapagkawang-gawaan mula sa ginto at wala siyang matatagpuan na kukuha nito,at makikita ang isang lalaki na sinusundan ng apat-napong babae,mag-aagawan sila dito dahil sa liit ng bilang ng kalalakihan at dami ng kababa-ihan. Tumpak - Napagkaisahan ang katumpakan