Ipinaalam sa atin ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- na si Dawud -Sumakanya ang pangangalaga- ay hindi kakain kundi mula sa gawa ng kanyang kamay at Siya -Sumakanya ang pangangalaga- ay maalam na manggagawa mahusay sa paggawa ng panangga at iba pa sa kanya mula sa kagamitan ng pakikibaka; kapagka ang mga Propeta ng Allah -Pagpalain sila ni Allah at pangalagaan-: kakain sila mula sa gawa ng kanilang kamay, mula sa paggawa o pagtanim o pag-alaga ng mga hayop o iba pa man doon mula sa mga gawain, sa ganon ang mga mababa sa kanila ay mas karapat-dapat na gagawa ng ganoong gawain; ng sa ganon mapigilan nila ang kanilang mukha mula sa paghingi sa mga tao.